isa sa mga ginagawa ko pag nababagnot na ako dito sa opis, ay ang tumambay sa youtube. music videos, episodes ng mga shows na di ko napanood at yung mga nakakatawang videos 😀
pero nde tungkol sa kanila ang ipopost ko ngayon.
eto ang tinutukoy ko.
…….
2ne1 << ang tawag sa grupo ni dara a.k.a sandara park, ang dating krungkrung ng pinas. kung meron mang di nakakilala sa kanya, naku, malamang sa malamang isambeses sa isang taon ka lang siguro nagbubukas ng TV at nakatapat pa sa channel kung san andun si barney..
di naman sa paborito ko ang grupo nila at di ko rin sinasabi na di ko sila gusto. natutuwa lang ako sa mga get ups nila. napanood ko kasi minsan sa TV kung panu ginagawa ng designer nila ang kanilang mga outfits gamit ang mga anik anik na bagay na di mo akalaing magagamit pa. eksampol: yung suot na white vest ba yan o jacket ni CL na may butas butas, rings yan ng kurtina, yung papasukan ng rod bago mo siya maisabit. at imperness, ganda ng resulta. unique tsaka stylish ang dating.
ang nakaka distract lang para sa akin pag nagpeperform na sila, eh si DARA.
yung energy kasi ng tatlo kung sumayaw, all out na all out eh. pero si dara, para bang may kung anung matigas na bagay na nilagay sa may balakang nya na di ko mawari kung yun ba talaga ang dahilan kaya may katigasan ng konte ang pagsasayaw nya?
gusto ko tuloy sya tanungin.
nakalunok ka ba ng bakal ‘neng? 😀
*oops, sa mga fans dyan, nagtatanong lang po ako ha 😉
haha. wala lang .. cute naman si sndara eh.
Sasabihan ka lang ng mga fans ni Dara ng “i don’t care eh eh ehr er er!” hahaha!
bakit di ako makakoment dun sa prev post mo? anyways, enjoy ko rin ung nigagawa mong yan..ehehe
ngaks, hinihintay na salain?
‘ hahahahaha!!!! well i know the group but i havent followed them enough to comment on how they perform.. hmmm.. baka naman ganun lang talaga sya sumayaw, in any case, at least nagka-career after nya malaos ditu sa pinas.. classic case si sandara ng biglang sikat, biglang laos na artista..
– napadaan lang po.. i hope you wont mind if i come back from time to time.. =)
dara b c sandara??
mtigas b?? nd nmn xdo inday hehe..
pero ang laki ng ginanda at hinusay nya compare dti:)