ilambeses ko din sinabi sa sarili ko na sisikapin kong nde maging emosyonal sa araw na ‘to. kaso pagka gising pa lang tamlay na agad ang nararamdamn ng buong katawan ko. pinuputakte ang utak ko sa mga senaryong pwede kong madadatnan sa opisina.
ngayon na ang pinaka huling araw na mahahawakan ko si puchi (ang mesa ko) at si pucho (silya kong luma pero sintibay ni spartan).
tinititigan ko ang company i.d ko. sa walong taong sinusuot ko ‘to, ngayon ko lang binasa ang lahat lahat ng nakasulat dito. contact numbers, pirma ni boss, blood type ko. at syemperds, mukha ng may ari ng ID. kahit sang anggulo talaga, ang adik ko pa rin tignan. wahaha 😆
haysss. pinaka matamlay na araw na ata to kumpara sa mga panahong tinatamad akong pumasok (lalo na pag iniisip kong may nakaabang na sermon sa akin pagdating sa opisina). pero kelangan kong pumunta dun. para kunin ang mga gamit ko…. at para…. magpaalam.
sa gate pa lang, abot ‘gang batok na ang ngiti ni manong guard sa pagbati nya sa akin ng isang ‘magandang umaga’. weird. pati patilya ni manong napapansin ko na ngayon. nde pala pantay sa kabila. tsk.
pagbukas ko pa lang sa pinto ng admin, nakahilera na ang mga opismeyts. nakangiti na may halong lungkot sa mga mata nila. papalapit sa kin para umakap. eto na nga ba ang sinasabi ko. nakuuu… eto na talaga. paktay, bibigay na ata mga luha ko.
walong taon ko din silang nakasama sa bangayan, kulitan, tampuhan, at sentihan. nakakalungkot pero ngayon na nga siguro ang katapusan ng walong taon na yun.
andami kong mami miss. andaming alaalang pwede kong baunin.
sa mga kasamahan ko, di nyo man to mababasa, salamat sa samahang nabuo natin. nde magiging maayos ang mga trabaho natin kung wala yun. andami kong natutunan mula sa nyo. di ko makakalimutan ang iyakan at tawanan natin sa mga panahong parepareho tayong hinahabol ni “pressure“.
sa mga katrabaho namin sa production, salamat sa mahahabang pasensya na binibigay nyo sa amin. nde makukumpleto ang lahat ng pinagpaguran naming disenyo kung wala kayo. isa kayo sa mga dahilan kung bakit may mga trabaho pa rin ang mga kasamahan natin ngayon.
kay Boss, di ko makakalimutan yung araw na nagbuhos ako ng saloobin ko tungkol sa trabaho. pasensya na kung di ko mapigilang maluha nun. lingid sa kaalaman ng mga kasamahan ko, marami akong napagdaanan sa propesyon ko na ikaw lang ang nakakaalam. at salamat sa mga panahong pinupuri mo yung mga bagay na pinagpaguran naming tapusin. nakakaluwag sa dibdib. lalo na at ikaw ang itinuturing kong “ama” sa propesyong hawak ko ngayon.
ngayon na kaharap na naman kita para magpapirma ng clearance form ko, gusto ko ulit maging emosyonal. pinipigil ko lang dahil marami kang tinatanong. bigat din pala sa loob ang ganito.
iniabot ko ang kamay ko para magpasalamat sa iyo.
tandaan mo lang anumang oras gusto mong bumalik, nakahanda pa rin kaming tanggapin ka. good luck sa panibagong landas na gusto mong tahakin.
yun pa lang at ilang patak ng luha na naman ang nalaglag mula sa mata ko. pasimple ko mang pinahid yun pero alam ko nakita mo pa din. parang ngayon pa lang tinatanong ko na ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko..
nagpaalam ako. at isang tapik sa balikat ang binigay mo sa akin.
ganun pa man… masaya akong iwan ang trabaho ko. masaya na ako na minsan sa buhay ko may nabuo kaming samahan ng mga katrabaho at ng boss kong tinuturing kong pangalawang tatay. mga alaala kung panu ako natuto sa bawat pagkakadapa ko sa trabaho ko. lahat ng ‘to, babaunin ko sa susunod kong paglalakbay.
paalam na muna sa pagiging alipin ng mundong korporasyon.
at para naman sa isang katrabaho na kakulitan ko kahit luhaan, kukz, salamat. good luck pre, kaya mo yan 😉
Change is inevitable, tubiii!
Lahat ng bagay may wakas at may simula kaya GOODLUCK sa paglipad mo sa bagong mundo at sa pagkilatis sa bagong buhay! 😀
Enjoy the flight!
temsong sa adik dept. lol. goodluck ms.K. tnx sa insights.duawa sad mi panagsa ha.
waw! prng naiiyk dn aq nung bnbsa q pro pnpglan q din! ahahah..
anung mang dsisyon ang gwin ntin, TAMA! so dnt fil bad n. evrythng hapens 4 a rison 🙂
malungkot ang opis ms.K 😦 iba pa rin yung nandito ka
Kakalungkot talgang magpaalam sa work lalo na at tinuring mo itong pangalawang tahanan..at mas mahirap iwanan ang mga taong naging bahagi ng tagumpay na meron ka ngayon…Goodluck sa bagong mundo na papasukin mo sana magtagumpay ka..ingat palagi.
kapatid punta ka sa site na to…im sure matutuwa ka…wag nang malungkot ganito tlaga ang buhay.
http://jasonhamster.wordpress.com/
awts, nahiya naman ako nilink pa. hahaha hi ate ani ko
hi din ate dragonfly. ate tutubi
ay…. iiwan mo na trabaho mo…
parang masyadong nakakaiyak naman yung mga kaopismate mo nakahilera tapos isa isa kang yayakapin..
just be happy tutubi..
Cleared.
Ganun talaga, may nagtatapos para mabuksan ang bagong simula.
Tanging alaala na lamang kapatid ang siyang mamamalagi.
Mahusay kang manggagawa.
Isang tagay sa tagumpay.
salamat kapatid.
parang ang seryus mo ata habang tinatayp mo yan.
kampay.
Hindi ba bagay sa akin ang maging seryoso kapatid?
Minsan lang to, lasapin mo na.
ahahaha
wahaha, bagay naman eh.
yun nga lang. anu.
kwan.
wag na nga lang.
haha adik!