ilang taon na din akong nagcha-chat pero sa dami ng naka-add sa akin, mabibilang lang siguro sa daliri ang nakasilip na ng kuko ko sa paa.
di kasi ako basta nagpapa-byu (akala mo naman kung sinong maganda eh no? wahaha). pero nde, di naman sa tadtad ako ng ka-ek-ekan sa katawan kaya ganun. di lang talaga muna ako proud na ibalandra ang baluga kong itsura. sa tri handred porty nayn na naka add sa akin, 10 lang ata ang nakasilay sa totoo kong pakpak.
at sila yung masasabi kong may koneksyon na din sa buhay ko.
ibig sabihin, yung may konteng alam na sa private layp ko. derpor i conclude, may pang blackmail na sila sa akin. wahaha.
kahapon, may biglang nag-invite na magpa view ng webcam nya. di siya naka add sa listahan ng uutangan ko sa YM, kaya inignore ko lang ang imbitasyon. pero umulit ng umulit. this time, nag bubuzz. malakas talaga ata ang loob niyang magpasilip talaga. eh di pagbigyan natin.
sa ganitong pagkakataon, kapag kusa silang magpabyu, eh nagdadalawang isip talaga akong i-accept.
mamaya, baka iba ang makita ko. (pag ganyan na nangingiti ka, pareho tayo ng naiisip).
yga: kita mo nko?
k: opo
yga: kmsta kn
k: ayus lng
yga: dba ako nkstrbo sau?
k: naka istorbo nga po
yga: d bale ngaun lng nmn to
k: matanong ko lang, mgkakilala ba tayo?
yga: oo, ikw si K********. nka add k kya saken
k: ah,
yga: wla n ata ako sa listahan mo ah
k: tama ka po
yga: pa view nmn
yga: jn kp?
yga: oist
yga:
yga: daya
yga: iniwn ako
ba’t di ko naman siya iiwan eh kinabahan ako sa ginawa nya. ….
hinubad ang sando.
inayos ang cam.
pinatay ang ilaw.
tapos….
.
.
.
.
.
“You have been signed out of Yahoo Messenger”
.
.
.
…… ayoko magkakuliti sa mata.

hmmm..parang matangkad sya te.
medyo nga ging.
Naku patay ka dyan Tutubi mukhang tinutukso ka lang ah! hahaha!..ingat ka hahaha!
oo nga Jam eh. pero nilayasan ko din. mahirap na wahaha
Wahahahhaa, malay mo mainit lang..kaw talaga, MANANG k
honga anu? bat di ko naisip yun.
(all caps talaga ang manang eh noh?) wahaha
salamat sa pagbisita Teng.
hahahaha, natatawa ako promise…pero di ko nasubukan ang ganyan..hmmmm
at wag ka na magbalak pang subukan haha.
cge kaw din, yang mata mo, baka tubuan ng anu.
bakit nakapost ang picture ko dito?
joke lang. padaan po.
kahawig? salamat sa pagdaan.