ilusyon

abot hanggang batok ang ngiti ko nang minsan kang napadaan sa bahay namin. alam ko kasing iba ang daanan mo pauwi, at bibihira lang sa isang taon kang mapapadpad sa baryo namin. pero sa araw na yun, kakaiba ang naramdaman ko.

masaya na kinilig na ewan. wahaha.

siguro dahil, halos araw araw kitang inaabangan. araw araw kitang sinusundan. nangalay na nga ang binti ko sa kakatayo sa may tindahan na pwede mong daraanan, eh wala ka naman. bakit? eh sa gusto ko lang. wala namang masama ah. lalo na’t di mo naman alam haha.

nagkwento ako sa kapatid ko at inamin ko ang totoo.

may (konteng) paghanga ako sa iyo.

in ingles… crush. (takte dumadamubs nga!)

baduy ko daw sabi ng ate ko. parang nasa hayskul lang.  eh, weno ngayon? eh sa humahanga naman talaga ako sa iyo.

nung minsan kang pinatuloy ni ate, at pinainom ng gamot kape, sinlakas ng kulog ang kabog ng dibdib ko. iba pala kapag nasa tabi kita malapitan na. lalo na’t dinig ko ang bawat sinasambit mong salita habang nag uusap kayo ng kapatid ko.

nagtatago man ako sa likod ng kurtinang bulaklakin, di yun ibig sabihin na ayaw kitang harapin. ayokong makita mo akong nangingitim namumula sa hiya habang kausap ka.

ayokong may mahahalata kang kakaiba sa akin.

dahil kagaya ng napapanood sa pelikula, ang isang mayamang pogi na katulad mo ay nababagay lang sa isang tsimay na katulad ko chinitang seksing bebot na katulad ng mga umaali aligid sa iyo.

di kita ma reach. langit ka. ulap lupa ako. (takte talaga!)
isa lang akong pipitsuging kulot na nag eemo sa sulok.

paano mo nga naman ako mapapansin?

wala na rin akong balak pa.
masaya na akong tignan ka sa malayo.
masaya na akong tingalain ka sa pwestong kinauupoan mo.

basta… crush kita.

‘gang doon na lang siguro yun.
.
.
.
pramis.

.

.

(pahabol: kung sakaling da feeling is mutual, aba eh magsabi ka kaagad ha!) 😆

54 thoughts on “ilusyon

  1. LANCE's avatar LANCE says:

    congrats bb. tubi 😉 wahaha at di kna ntapat sa lucky nmber mo. e2 nb yun? 😉 😆 huy ilibre mko kina aling senyang. tara!

    • waaaaa anu ba nakita mo? saan? kelan? wahaha

      pag ikaw nagka kuliti wag mo ko sisihin ha 😆

      sa FB ko ba? waaaaa parehas tayo kinilig din ako ayieee

  2. mix's avatar mix says:

    commnt dn ako ate. pra makatabi ko mga astig mong ka-blog hihi (kd, ani, kulisap tsaka salbe weee)

    @Lance

    ahmmm… itanan mo na yan! bwahaha

  3. Waaaaa..ang puso mo abot hanggang d2 ang kabog…..wag k kse kape ng kape ng d ka ninenerbyos kpag andyan na hahaha…Pahiram muna ng nsa FB mapaglihian lng mukhang mgandang lahi yun waaaaaa…ok..keep quite na nga ako baka……

    Ingat hahaha…..pakape k ha kpag ano…ano…ano…ayan nauutal n nmn ako…Adik na kse dahil s inyo ni Sissssss….

  4. Umepek na ba? Ayos yan, isang linggo pa, hihintayin mo.
    Huwag mong ipapaalam kay Lance na ginagayuman natin siya ha?
    Nagbabasa ba siya ng blog mo? Baka mawalan ng bisa kapag nabasa niya ito.

    Sinabi mo ba kay Ani ang panggagayuma natin?

  5. Wow… Talaga nmang patay na patay ka Miss Tubi to the boy that you’ve mentioned here sa post mo… Papansin ka kaya…. 😀

    Nakikiraan lng po.. Gusto lng makipagkaibigan… Add mo ako sa blogroll mo at e’add din kita sa akin…. Slamat… 😀

  6. one final move.

    malay mo naman kung hindi kape ang dahilan kaya sya pumanhik ng bahay nyo.

    sabihin mo sa kanya na mas masarap kang magtimpla ng kape kesa sa ate mo.

Leave a comment