Up.date

Hello sa akin. haha *kaway* http://www.smileycodes.info

Medyo bihira na talaga ako nakakapag-update dito sa kadahilanang 90 percent tinatamad na at 10 percent naman ang natirang pagmamahal sa blog kong ‘to. Last last week(s), tambak ako ng trabaho. Sandamakmak na deadlines. Kaya nung naisipan ng mga kaibigan kong makipag-“commune with nature” daw muna kami nitong nakaraang weekend, eh di na ako nag-atubiling sumama.

Ehem.

Mountain climbing. Pangalan pa lang, parang gusto na akong hikain.

Nagsimula kaming maglakad ng mga alas otso ng umaga. Dumaan pa kasi kami sa isang medyo mababang bundok kung saan dinayo namin ang kamag-anak ng isang kasama. At pagdating dun, fresh buko salad pala ang naghihintay sa amin na kalaunan, naging fresh fruit salad.. Nagpakuha pa kasi siya ng iilang prutas. Pakwan, papaya, tsaka saging. May nilagang kamote pa.

Mayamaya, dumating ang tiyahin nya, may bitbit na bagong luto na Biko. Tinginan kami lahat. Tingin na kunwaring nahihiya pero sa likod nun, kanina pa pinipigilan ang sarili na lantakan agad ang laman ng bilaong tinakpan ng dahon saging. Amoy pa lang, nakakabusog na. Ang sarap ng biko. Tamang tama ang tamis at yung hinalong katas ng niyog. Gusto ko pa sanang mag ‘second round’ ng biko pero di ko na itinuloy. Baka matae na ako sa daan.

Ang sarap din sana humilata muna kaso kelangan na naming umalis dahil baka daw gabihin kami (sabay tingin ng masama sa guide haha). Agad naman kaming nagpasalamat at sabay nagpaalam para mag-umpisa ng bumaba.

Tawanan, kulitan, asaran. May dugtungan ng kanta at may bumato ng erap jokes. Klasik.

Pero kapag seryusong akyatan na, antahimik na.

Ito na yata ang pinakamataas na naakyat ko. Halos trumiple ang butas ng ilong ko. Pero kapag andun ka na, breathtaking ang view. Tanggal lahat ang pagod at pang-aasar ng mga kasama ko. Tanggal din ang swelas ng sapatos ko.

Dapat pala inihanda ko ang sarili ko sa mga aktibidades na tulad nito. Pakiramdam ko tuloy parang naghihiwalay ang lahat ng buto ko sa katawan ngayon. Sana inalam ko ang lugar ng mismong pupuntahan para alam ko din kung ilambeses dapat mangatog ang tuhod ko kapag sinabing bababa na kami. Di ko man nakita ang sarili ko nung gumulong ako, pero sure ako, nakakatawa siguro. http://www.smileycodes.info

Di ko rin nabilang kung ilang beses ko inulit ulit ang salitang “wow” nung nasa peak na kami. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, “sensya na, ganito talaga kaming alila ng mga mundong kurapsyon korporasyon”.

Napakagandang experience. Natawa, tumawa, kinapos ng hininga, naiyak, namangha, gumulong gulong pababa, nagkagalos galos man pero di ko talaga ininda. Yung may mga takot sa heights, ay naku mawawala talaga pagdating sa itaas. Sariwang hangin at magagandang tanawin. Napakasimple pero ang hatid naman ay sobrang saya.

Maikli lang ang buhay kaya mas maige na magpakasaya sa mga bagay na meron tayo.


http://www.smileycodes.info

3 thoughts on “Up.date

  1. Kulantoy's avatar Kulantoy says:

    Next climb daw sa Mt. Apo 😉 Salamat nga pala sa panunulak, K 😆

    TUBI:

    ~ ba’t ang hilig mo pumwesto sa spam box 😆

Leave a comment