Tadaima

Halos tatlong taon ko ding pinabayaan iniwan ang dyarya kong ito. Bakit? Sa dami ng dahilan na naiisip ko ay siguro ang ending yung pinaka-common na sagot. “Busy” 😀 . Para namang ‘hindi’ na ngayon.

Nakakamiss din pala magtipa ng mga kung anik-anik sa buhay. Sa totoo lang, nakagawa ako ng isang photo blog last year. Kaso lang, iba pa rin yung ‘nakaugalian’. Malaya kasi ako dito sa munting espasyo ko. At home ‘ika nga.

‘Tila nagpapahinga na din yata ang mga dating nakakulitan ko. Sinilip ko saglit ang kani-kanilang bahay pero tahimik na din. Sabagay, kung tamaan ka naman ni busy (paulit-ulit?) eh talagang mapag-iiwanan ang mga ganitong lugar.

May nagtanong kung ano ang bago sa ‘kin. Maliban sa tumataba at bago na yung apelyido ko, eh wala na. Kulot pa rin.

Pati pag-iisip. 😎

Sana nga eto na yung simula sa mga kwentong napapanis na.

Medyo eksayted pero sana tuloy-tuloy na ang pagtipa. 😉

2 thoughts on “Tadaima

Leave a comment