‘Tay

‘Tay,

Kamusta po?

Alam kong nangako ako sa iyo na di na ako magsesenti kapag darating ang mga ganitong araw. Na kahit birtdey nyo, wag ko hayaang lungkot lang tanging maramdaman ko. Pero pasensya na po. Dadaan pa ‘ata ng ilang taon bago ko matanggap na di ka na talaga babalik.

Sana nga ganun lang kadali ‘tay anu? Yun bang, pag naiisip ka namin, bababa ka tapos sisilip ka saglit sa bahay tapos maaakap ka namin ng kahit 5 seconds lang? Ang saya siguro kung ganun.

Kaso, inde eh. Naririnig mo pa kaya ang pag-iyak ko sa gabi kapag akap-akap ko na yung unan mo? Nakikita at nararamdaman mo rin ba ang mga kinakatakutan ko lalo na ngayong nagsisimula na akong magkapamilya?

Natagpuan ko yung unang liham na ginawa ko para sa iyo nung hayskul pa ako. Ayun, tomatik bumaha na naman ang luha ni bunso.

Nakalagay dun, yung unang pagpunta mo sa skul namin, bitbit ang naiwanan kong pang meryenda. Nakiusap ka sa gwardya na ipatawag ako para kunin ang sandwich ko. Alam nyo ‘Tay, di ko makakalimutan ang itsura nyo nun. Naka-boots at kulay berde na raincoat ang suot mo pero basang-basa ka pa din. Tapos nung iniabot mo sa akin yung baon ko, sabi mo pa nun, mag-aral akong mabuti kasi yun lang ang pinakamagandang bagay ang maipapamana mo sa amin.

Kung di mo lang alam ‘Tay, isa yun sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Nanunumbalik yung saya, yung ngiti at yung pagpapahalaga nyo sa aming mga anak nyo.

Nung nagtapos ako ng kolehiyo, nag-drama ka pa nun. Ang sabi mo di ka dadalo sa graduation kasi may dinaramdam ka. Bagsak ang balikat ko nun, kasi alam kong yun na ang araw na pinakahihintay natin. Sabi mo, si Nanay na lang ang pupunta. Eh akala ko naman, ginugudtaym nyo lang ako tulad nung napapanood ko sa TV. Kunwari inde dadalo pero pagkatawag ng pangalan ng anak, may tatalon talon sa gilid sa sobrang tuwa. Akala ko ganun.

Kaso hinde. 😦 Wala ka nga dun.

Totoo ngang may sakit ka.

Pero kinaya natin yun di ba ‘Tay? Naging maayos ka din pagkatapos nun. Nangako ka pa nga na kapag nag-asawa na ako, ikaw ang maghahatid sa akin sa altar.

Ayun. Di pa rin natupad.

Ang daya mo kasi. Sabi, walang iwanan. 😥

Andaming alaala na pwede kong balikan sa tuwing tatamaan ako ng lungkot. Andaming masasayang araw na kasama ka, na pwede kong ilarawan sa isip ko makatakas man lang sa mga nararamdaman. Pero alam nyo po kung anu ang mas masakit? 😦

Yung katotohanan na kahit sa milyun-milyong alaala na yun, di pa rin nun kayang gamutin ang pagnanais namin na makasama ka ulit. 😥

——-

Di ko na mabilang ang mga bagay na gusto ko pa sanang isumbong sa inyo, kaso lumalabo na po ang paningin ko. Ganito na yata ako kapag ikaw na ang pinag-uusapan.

Miss ko na po kayo ‘Tay…

Happy Father’s Day po.

 

-Bunso-

dd

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s