inisinisinis-i-nis

Tinopak na ako sa ginawa kong project para sa klase namin. Ilang oras na din ang iginugol ko kahapon para lang matapos na siya dahil sa totoo lang, nauumaaaaay na ako sa kakatitig sa kanya.

Sa mga gustong makaalam, ganito kasi yun. May ginuguhit kaming disenyo sa kompyuter at pagkatapos nun, kukulayan ito gamit naman ang isang klaseng software na dapat ilang oras lang ang itatagal. Yun eh kung medyo maganda o ika nga primera klase ang PC na gagamitin. Sa katulad nung akin sa bahay na “de uling“, eh talagang good luck sa akin di ba? At ang mahirap pa nito, mamaya na siya isusumite!

Di ko na lang iisipin kung paano na-assign sa akin ang gawaing ‘to dahil kumukulot lang lalo ang buhok ko. Isa lang ang sigurado. Antanga-tanga ko!

ala akong alam jan….ketchup

alam ko makaka-relate ka nito kasi eto yung pinagusapan natin nung isang gabi eh. kung saan nga ba ako nagkulang bilang isang mapag alagang kaibigan. ba’t nga ba ganun anu? ginawa ko na ang lahat para makatulong o kahit maiparamdam man lang na nandito ako at handang makiramay sa problemang kinakaharap nila  eh ako pa ‘tong lumalabas na kontrabida.

Continue reading