Tadaima

Halos tatlong taon ko ding pinabayaan iniwan ang dyarya kong ito. Bakit? Sa dami ng dahilan na naiisip ko ay siguro ang ending yung pinaka-common na sagot. “Busy” πŸ˜€ . Para namang ‘hindi’ na ngayon.

Nakakamiss din pala magtipa ng mga kung anik-anik sa buhay. Sa totoo lang, nakagawa ako ng isang photo blog last year. Kaso lang, iba pa rin yung ‘nakaugalian’. Malaya kasi ako dito sa munting espasyo ko. At home ‘ika nga.

‘Tila nagpapahinga na din yata ang mga dating nakakulitan ko. Sinilip ko saglit ang kani-kanilang bahay pero tahimik na din. Sabagay, kung tamaan ka naman ni busy (paulit-ulit?) eh talagang mapag-iiwanan ang mga ganitong lugar.

May nagtanong kung ano ang bago sa ‘kin. Maliban sa tumataba at bago na yung apelyido ko, eh wala na. Kulot pa rin.

Pati pag-iisip. 😎

Sana nga eto na yung simula sa mga kwentong napapanis na.

Medyo eksayted pero sana tuloy-tuloy na ang pagtipa. πŸ˜‰

Absent

Di ako pumasok sa trabaho ko kahapon. Medyo pumalya na ang mga kaso-kasoan ko sa katawan kaya naisipan kong magpahinga muna. Buti nalang at mabait ang HR ng kompanyang pinapasukan ko at wala nang madami pang tanong nung sinabihan kong absent muna ako ng dalawang araw . Ilang linggo na din kasi akong panay ubertaym. Β Matapos ko lang sa dead-na-deadline date ang proyektong in-assign sa akin. Ako na ang busy, sabi ni Ate. Ako na ang may dagdag sa suweldo sa akinse’t trenta. Ngayon, ako lang naman ang dead may sakit.

Pero oks lang din. Keri pa naman. Slight na sinat. Malayo pa sa bituka. Labsick lang daw to sabi ni tatay. Ehem.

Marami-rami na din ang nagtatampo sa akin at di na daw nila ako mahila-hila sa mga galaan. Di raw kagaya nung dati na isang text lang, lipad na agad ako sa tambayang kainan. Ngayon, kahit tawagan daw ako ng sanlibo’t isandaang beses di pa rin ako sasama. Bakit? Nagpapakasubsob lang naman sa trabaho. *sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga*

Continue reading