Absent

Di ako pumasok sa trabaho ko kahapon. Medyo pumalya na ang mga kaso-kasoan ko sa katawan kaya naisipan kong magpahinga muna. Buti nalang at mabait ang HR ng kompanyang pinapasukan ko at wala nang madami pang tanong nung sinabihan kong absent muna ako ng dalawang araw . Ilang linggo na din kasi akong panay ubertaym.  Matapos ko lang sa dead-na-deadline date ang proyektong in-assign sa akin. Ako na ang busy, sabi ni Ate. Ako na ang may dagdag sa suweldo sa akinse’t trenta. Ngayon, ako lang naman ang dead may sakit.

Pero oks lang din. Keri pa naman. Slight na sinat. Malayo pa sa bituka. Labsick lang daw to sabi ni tatay. Ehem.

Marami-rami na din ang nagtatampo sa akin at di na daw nila ako mahila-hila sa mga galaan. Di raw kagaya nung dati na isang text lang, lipad na agad ako sa tambayang kainan. Ngayon, kahit tawagan daw ako ng sanlibo’t isandaang beses di pa rin ako sasama. Bakit? Nagpapakasubsob lang naman sa trabaho. *sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga*

Continue reading