ikaw: ang daya mo. di ka naman sumipot sa usapan natin eh.
ako: (ngiti lang ang sagot)
ikaw: gusto ko tuloy isipin na ginudtaym mo lang ako dun.
ako: kahit kelan di ako marunong mang gudtaym ng tao.
ikaw: eh ba’t di mo nakuhang magpakita dun?
ako: kung anuman ang dahilan ko, sa akin na lang yun.
past
repost: “bench”
dahan dahang bumabalik sa ‘kin ang mga alaala ng lugar na ito. halos dinig ko
pa din ang bawat halakhakan at iyakan ng buong tropa noong huli nating pagtitipon tipon. kantahan, sayawan, kantyawan na para bang yun na ang magiging huling araw natin na magkakasama. pero mas nde ko makakalimutan ang ngiti mo noon habang kaharap at kausap mo si Ynna.
ipagpatuloy ang pagbabasa…