randomed updates

 

  • Inimbento ko lang ang unang salita sa title. If there is such a ‘term’ as layk dat, wow, okey!. Kung wala, eh di nakakahiya. 😆
  • Naging busy ako sa mga kliyenteng may apilyedong “PRESSURE”. Pinutakte ako ng mga pangungulit nila na para bang limang pares tong kuba kong katawan. Pero sabi nga ng ate ko, “Be professional“…. sagot ko naman, “honga, sabi ko nga“.
  • Na-inlab ako sa Nikon 3100 Digital-SLR camera. Lekat, ilang gabi pa kaya ang pagpupuyatan ko para makidnap ko na siya.
  • Sinusubukan ko ulit ang isang lumang hobby. T-shirt printing. Napansin kong binabahayan na ng gagamba yung silk screens kaya pansamantala kong ginamit. Sana lang maganda ang resulta. 😀
  • Passport Renewal. By appointment system na pala? Ako na lang ata ang nahuhuli sa impormasyong ‘to. Tsk, tsk. [insert loser mode]
  • Ibinalita ng isang kebigan ang planong pag-uwi nya sa lugar nila. Nakakatuwa. Ibang klaseng pakiramdam ang hatid sa akin kapag kasama ko ang mga kapatid at magulang ko. Maaring sa ibang bagay nakapagpapasaway ako, pero at the end of the day, sila at sila pa rin ang nagpapasaya at nakakapagpa tumbling sa akin. 😆
  • Bonding moments with Lance’s family. Nag-abala silang maghanda ng surpresa para sa monthsary namin. Kilig + HappYness = Priceless.
  • Goodbye “tambay life“. Hello, “buhay empleyadow“.

Susulitin ko muna ang nalalabing oras ng aking pagtatambay sa panonood ng isang lumang movie na ito. This time, with Krung 😉

===