Unang First

Maraming kwentong pananakot sa ‘kin ang mga kapatid ko tungkol sa buhay “may asawa” nung ako’y nagbabalak na. Trip na trip nilang nakikita yung mukha kong natatakot na para bang nanunood ng isang horror movie. Tapos, pag umipek, sabay tawa. Kung hinde, sabay alisan na. (Lintek lang ang walang ganti. LOL!) Talagang di nakukumpleto ang araw nila kapag di nila ako naaasar. Yung tipong, mapapa- HAAA?! ?! talaga ako at magdadalawang isip na lang sa mga plano ko. Pero di ako nagpatinag sa tatlong yun. Tinuloy ko ang sakalan kasalan.

Ang epek?

Nakaisa din kami. Yey!. Sabi ni ‘J‘ kanina.

“Uy, nakaisa din tayo oh!”
Ako: Isa lang hiling ko.
J:      Ano?
Ako: Ingatan mo sanang ‘wag mabagok yang ulo mo’t baka anumang oras eh, isosoli mo ‘ko sa amin.

Anlakas ng tawa nya. Nakaugalian na kasi naming magbiruan ng ganun. Pero this time, di nya alam. Seryuso ako sa sinabi ko. Haha. Aba eh, di na ako bumabata at saka andami ko nang na-set na mga plano para sa buhay naming dalawa. Yung sa kanya, araw araw nya kasing sinasabi. Paulit-ulit? Parang alarm clock lang. Lol!

Pero nagpapasalamat ako kay J, sa taos puso niyang pagtanggap sa mga kalukringan ko sa buhay. Bihira lang ang nakikilala kong nakakasabay sa mga ka-weirduhan ko. Eh siya kasi, imbes na awatin ako, mas sinasakyan para mas magiging magulo.

Labidabs,

Salamat! Happy First! 😉

 

 

 

4 thoughts on “Unang First

Leave a comment